Ara Mina naghahabol kay Pacman gamit ang bible

NAGHAHABOL daw si Ara Mina kay Manny Pacquiao gamit ang tangan-tangan nitong bible. Oo, gusto raw ni Ara na umattend sa mga pangaral ng huli. Wala naman daw mawawala kung gagawin niya ito. Pero hindi naman daw hinahabol ni Menang si Manny dahil gusto pa niyang magkaroon ng part two ang sinasabing naging relasyon nila noon gusto lang niyang pakinggan kung paanong mag-preach ang isang boksingero.

Ang tanong dyan ay kung papayag si Jinkee Pacquiao sa planong ito ng dating sexy star. Eh, kung sa ngalan naman ng Diyos ang pag-uusapan, bakit naman hindi? Kaya lang, kaya ba namang makipag-plastikan ni misis?

Anyway, hiwalay na naman daw ulit si Ara sa Chinese-Filipino businessman na boyfriend nito. Kung noon daw ay tsismis lang, ngayon ay totoo na ito. Ah, kaya pala naiisip ng dalaga si Papa Manny. Hehehe!

o0o

Heart gutom kay Daniel

ANG pagkakaiba sa kultura at ugali ang dahilan daw ng paghihiwalay nina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga.

Si Daniel ay isang Brazilian-Japanese, samantalang Pinay na Pinay naman si Heart.

Ang iba pang rason, baka nagsawa na si Heart sa kasusuporta sa actor-model kaya hiniwalayan na niya ito?

Wala raw kasi itong pinagkaiba kay Jericho Rosales. Gutom din ang aabutin nya kapag pinagpatuloy nya ang pakikipagrelasyon dito. At puwede ring nakalkal din ng dalaga ang mga dating gawain ni Matsunaga na ikinadismaya niya.

Patay na rin si Jerome Pelgone, ang taong nagtatago ng mga sikreto ng huli.

Katulad nina Heart at Daniel, sina Jason Abalos at Jewel Mische, pati na rin sina Paolo Bediones at DJ Jinri Park ay break na rin.

o0o

SM natutuwa sa performance ni Paula Bianca

MAY panuntunan ang SM Group of SM Prime Holdings na hindi puwedeng mag-show sa kanila ang isang talento kung wala namang ibubuga. Puwede nila itong pagbigyan ng isang beses pero kung walang hatak sa tao at wala namang binatbat ay hindi na makauulit sa kanila.

Ilang shows na ang nasamahan namin, at sa pakikipag-usap ng ating mga kaibigan sa bawat manager ng sangay ng SM ay parating ang tanong nila ay kung magaling ang singer itong mag-perform sa kanila at kung may pangalan ito. Kapag napatunayan nilang magaling kahit hindi sikat, sila na mismo ang magre-request na magtanghal ito sa kanila.

Katulad ng nangyari kay Paula Bianca, palibhasa magaling na singer/performer kaya lahat halos ng branches ng SM malls ay nakapag-show na siya.

Parating dinudumog ng manonood si Bianca sa bawat sangay ng nasabing mall na pinagtatanghalan niya. Sabi nga ng kausap naming suki ng SM, nakadaragdag pa raw ng mga mamimili ang rock singer na anak ni Papa Dan na isa ring mahusay na singer dahil sa hataw nitong performance.

o0o

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa Kuya_abepaul@yahoo.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply