Ari ng nene dinaklot, mister kalaboso

KULONG ang isang mister matapos daklutin ang ari ng nene na kasamang naglalako ng mais ng kanyang ina sa Malabon City.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to child abuse si Victorino Tuazon, 53, ng Katipunan St., Muzon, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-2:30 kahapon, kasamang naglalako ng mais ng kanyang ina ang biktimang edad 6, residente ng Bayan-Bayanan nang daklutin ng suspek ang ari ng bata.

Ilang residente ang nakasaksi sa pangyayari na agad tumawag ng mga barangay tanod dahilan kaya nadakip ang salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply