ARMM Gov. Hataman nag-ulat sa bayan

COTABATO CITY – Ganap na alas-4:00 kanina nang mag-ulat si Regional Governor Mujiv Hataman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ng kanyang naging accomplishments kaugnay sa kanyang ika-100 araw sa pwesto.

Si Hataman ay nahirang ni Pangulong Aquino bilang OIC ng ARMM matapos magpasya ang Korte Suprema na ipagpaliban ang halalan dito.

Panauhin sa pagtitipon sina Secretary Ronald Llamas at Senador Teofisto Guingona III, mga lokal na opisyal gayundin ang mga kinatawan ng iba’t ibang government organizations.

Kaninang alas 9:00 ng umaga naman ay nagkaroon ng testimonial parade bilang pagkilala sa nagawa ni Hataman sa loob ng 100 araw.

Sa kanyang Ulat sa Bayan, binigyang diin ni Hataman ang mga pangunahing reporma na kanyang naisakatuparan at nakatakda pa lamang ipatupad.

Kabilang na rito ang pagpapatupad ng “no-gun zone” sa loob mismo ng ARMM Compound sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Cotabato City bilang pagtalima sa isinusulong ni Hataman na unti-unting pag-aalis ng armas o baril sa ARMM.

Nauna nang inutos ni Pangulong Aquino kay Hataman na buwagin ang mga napaulat na katiwalian sa ARMM partikular sa panahon ng eleksyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply