ARMM re-registration tatalakayin – Comelec

TATALAKAYIN ng Commission on Elections (Comelec) bukas ang isyu kung itutuloy ang pagsasagawa ng general re-registration sa buong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang pagtalakay ay isasagawa sa isang en banc session ng poll body sa Baguio.

Aniya, pagkatapos ng nasabing pagpupulong ay saka maglalabas ang Comelec en banc ng resolusyon hinggil dito.

Una nang sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na ang nakikita nilang problema sa re-registration sa buong rehiyon gamit ang biometrics system ay ang mahigpit na timeline na ibinigay ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Sa pagtaya ng Comelec ang pagrehistro sa tinatayang 1.7 milyong botante sa ARMM ay posibleng abutin ng hanggang siyam na buwan.

Nangangahulugan ito na posibleng hindi nila maabot ang December 2012 na deadline na ibinigay ni Pangulong Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply