Asawang may kaso pinatakas, misis kulong

SWAK sa kulungan ang isang ginang nang patakasin ang asawang may kaso habang aarestuhin ng mga pulis sa loob ng bahay ng mga una sa Caloocan City kagabi (Biyernes, Abril 20).

Nahaharap sa kasong Obstruction of Justice si Amelia Hangibay, 21 ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-10 kagabi, pinuntuhan ng mga pulis ang bahay ng mga Hangibay matapos makumpirmang nasa loob si Alfie Hangibay na may kasong murder.

Sinalubong ni Amelia ang mga pulis at ayaw papasukin na naging dahilan upang makatakas ang asawa na dumaan sa iba pang pinto ng bahay.

Dahil dito, isinama sa presinto si Amelia at sinampahan ng nasabing kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply