Aso hinambalos, binata binoga ng tiyuhin

KRITIKAL ang isang binata matapos pagbabarilin ng tiyuhin nang hambalusin ng una ang aso ng huli sa Valenzuela City, Sabado ng umaga, Abril 14.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Benjanino Lao, 30, ng ACA cmpd., Malanday, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman si Alfredo Aguot Jr., nasa hustong gulang, empleyado National Food Authority.

Sa ulat kanina, alas-11 ng umaga, papalabas ng bahay ang biktima nang salubungin ng mga putok ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa VGH.

Nabatid na hinambalos ng biktima ang alagang aso ng suspek na ikinagalit ng huli kaya binaril ang binata.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply