Asset ng pulis itinumba sa harap ng anak

MISMONG sa harapan ng kanyang menor-de-edad na anak pinaslang ang 40-anyos na dating asset ng pulisya habang umiinom ng alak sa pintuan ng kanilang bahay sa Las Piñas City.

Namatay noon din si John Reginald Bugo, ng Sampaguita St., Dulo, Pilar Village sanhi ng tinamong tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa mukha at leeg.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Credo ng Station Investigation Division ng Las Piñas Police, nakaupo sa harapan ng pintuan ng kanilang bahay si Bugo, kasama ang menor-de-edad na anak na si AJ at umiinom ng alak dakong alas-10:50 kagabi nang biglang sumulpot ang suspek na nakasuot ng bonnet at kaagad pinaputukan nang malapitan sa mukha at leeg ang biktima.

Sa pahayag ng asawa ng biktima na si Michelle sa pulisya, dating nagsisilbing asset sa Drug Enforcement Unit (DEU) ang biktima subalit tumiwalag matapos makatanggap ng mga pagbabanta sa kanyang buhay.

May hinala ang pulisya na may kinalaman sa pagiging asset ng DEU ang nangyaring pamamaslang sa biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply