Ate Guy, Ate Vi, Erap, Dolphy at Manoy isinusulong maging National Artist

ISINUSULONG ng actor-politician na si Lito Lapid na maging National Artist sina Star for All Seasons Vilma Santos, Superstar Nora Aunor, dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada (dating action star), Comedy King Dolphy at actor-director Eddie “Manoy” Garcia.

Ayon kay Senator Lapid, malaki na ang naiaambag ng mga nabanggit na artista sa industriya ng pelikulang Filipino. Dagdag pa niya hindi matawaran ang husay ng mga nabanggit na artista sa pinilakang tabing.

Anang senador, hindi dapat mamili kina Ate Vi at Ate Guy kung sino ang dapat na maging National Artist dahil maaaring mabuhay ang bangayan at awayan ng mga tagahanga ng dalawang batikang aktres.

Sinabi pa niya na mas matindi pa sa tensyon sa Scarborough Shoal ang dating bangayan ng supporters ng dalawang aktres.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply