Attention: DILG Sec. Jesse Robredo

MARAMI na akong nabalitaan at nabasa sa mga blotter ng pulis sa Metro Manila na nagrereklamo laban sa ating mga barangay tanod dahil sa kanilang walang habag na pananakit  ngunit binalewala ko ito  hanggang sa makita ko nang personal kung paano sampalin ng isang tanod ang walang kalaban-labang lasing na lalaki sa isang barangay sa Lungsod Quezon.

Dalawang magkapitbahay ang nag-away sa may Barangay Botocan, parehong mainit ang dalawang kampo at makalipas ang may 10 minuto ay dumating ang isang alyas Dick na Barangay Tanod at inawat naman ang magkabilang kampo.

Dahil parehong  mainit at agresibo ang dalawang  padre de pamilya, kinakailangang magtawag pa ng kanyang mga kasamahan ang tanod na si alyas Dick.

Dumating naman ang mga tinawag na Barangay Tanod makalipas ang  humigit kumulang na dalawang oras.

O di ba ang bilis ng responde ng mga Brgy. Tanod?

Only in Barangay Botocan lamang mayroong ganitong klase ng mga Barangay Tanod pagdating sa responde.

Humigit kumulang sa dalawang oras bago dumating ang responde gayung ilang hakbang lang ang layo ng  Barangay Hall doon sa nag-aaway na magkapit-bahay.

Kaya isang residente roon na si alyas Danilo ang hindi nakatiis at nagsalita laban sa mga Brgy. Tanod.

Bagama’t lasing  itong si alyas Danilo ay totoo naman ang kanyang mga sinabi laban sa mga dumating na Tanod.

Siguro ay nasaktan ang Brgy. Tanod na si Anthony Abella.

Nilapitan nito si alyas Danilo at doon ay walang sabi-sabing sinampal ng ubod ng lakas sa mukha sa harapan ng inyong lingkod.

Noong una ay gusto ko itong balewalain ngunit  dahil na rin sa aking trabaho ay napag-isip-isip kung hindi dapat kunsintihin ang ganitong klaseng pananakit sa isang tao na wala namang kasalanan kundi ang magsabi lang ng katotohanan.

Bakit ba naglagay ng tanod sa mga barangay?

Para saan ba ang mga ito?

At ano ang kanilang tungkulin bilang mga Barangay Tanod?

Hindi po ba kaya inilagay ang mga Brgy. Tanod ay para pangalagaan at protektahan ang kanilang kumunidad hindi para abusuhin ang kanilang tungkulin at manakit ng kanilang kapwa?

Kung may kasalanan ang isang tao, bilang barangay tanod ay may kapangyarihan kang dalhin ito sa barangay para kausapin.

Hindi ‘yung sasaktan mo sa harapan ng maraming tao, at kung hindi ito alam ng mga barangay tanod, ito po ay human rights violation.

DILG Sec. Jesse  Robredo, Sir, hindi niyo ba  pinase-seminar ang inyong mga Barangay Tanod ?

At sa ginawang pananakit nitong Brgy. Tanod ng Brgy. Botocan na si Anthony Abella, ano ang maaaring maging action dito ng DILG?

Kukunsintihin niyo rin ba ito, Sec. Robredo?

Sec. Robredo, isa po kayo sa matitinong naging secretary ng administrasyon  at alam ko pong hindi ninyo palalagpasin ang ginawang pananakit nitong Brgy. Tanod na si Anthony Abella sa isang nagngangalang alyas Danilo ng Brgy. Botocan.

Para sa inyong reklamo, suhestion at komento,  mag-text lang po sa 0915-5683000  at 09087230036  o kaya ay mag-email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply