Aussie natagpuang patay sa hotel sa Maynila

PATAY na nang matagpuan ang isang turistang Australian national sa tinutuluyang kuwarto nito sa isang hotel sa Maynila kahapon (Abril 18).

Nakilala ang biktima na si Cedric Marshall, 77, tubong Melbourne, Australia at pansamantlang nanunuluyan sa room 71 ng Swagman Hotel na matatagpuan sa 411-E Flores St., Ermita, Maynila.

Sa report ni SPO1 Marilo Asilo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:30 kahapon nang matagpuang patay ang biktima sa kanyang kuwarto.

Nabatid na dumating sa bansa ang biktima noong Marso 28 mula sa Australia at nag-check in ito sa nasabing hotel nitong Abril 17 dakong 4:38 ng hapon.

Ayon kay Ma. Rodelia Vista, chamber maid ng hotel na nakatakda niyang linisin ang kuwarto ng biktima ngunit nang katukin ay hindi ito tumugon.

Dahil dito, kinuha ni Vista ang duplicate key ng kuwarto ng biktima upang mabuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang nakahandusay na biktima at hindi na humihinga.

Agad ipinagbigay-alam ni Vista sa pamunuan ng hotel ang nakita.

Ipinarating na rin ng pulisya sa Australian embassy ang nagyari sa biktima habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply