Australia-Pinas sanib pwersa sa maritime security

LALO pang lalakas ang puwersa ng Pilipinas pagdating sa maritime security matapos mapagkasunduan nina Pangulong Benigno Aquino III at Commonwealth of Australia governor general Quentin Bryce na palakasin pa ang kanilang kooperasyon tungkol sa nasabing aspeto.

Ito ang buod ng joint statement ng dalawang lider bilang tugon ito sa nangyayaring tensyon sa Scarborough Shoal sa pagitan ng Philippine Navy at Chinese maritime forces.

Ayon kay Bryce, magpapatuloy ang suporta ng kanyang pamahalaan upang mapalakas ang kakayahan ng Pilipinas sa usapin ng defense and security measures habang nananatili ang commitment ng Australia bilang partner ng Pilipinas sa pananalasa ng mga kalamidad.

Matapos ito ay ipinaabot naman ni Bryce ang kanyang pakikiramay sa mga biktima ng bagyong Sendong noong nakaraang taon.

Sinabi naman ni Pangulong Aquino na tinalakay nila ang pagkamit ng Pilipinas sa Millennium Development Goals (MDG) partikular ang pagsugpo sa kahirapan at gutom.

Si Bryce ay dumating sa bansa kanina para magsagawa ng state visit sa Pilipinas, bilang bahagi ng dynamic partnership ng dalawang bansa.

Bukod sa mga nilagdaang kasunduan ay may state dinner na ibinigay ang Punong Ehekutibo kay Bryce at sa delegasyon nito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply