Awards questionable

MAGKAKAROON na naman ng mga award para sa mga national artist at sana ay hindi ito mauuwi sa katakot-takot na controversy katulad ng nangyari kamakailan.

May mga nagsa-suggest na dapat ay gawin nang national artists sina Dolphy, Eddie Garcia, Nora Aunor at Vilma Santos.

Kaya lang, ang problema ay ang mga organisasyon na nagde-decide kung sino talaga ang higit na karapat-dapat na bigyan ng mga award, ke taong gobyerno man sila o taga-private sector.

Marami kasing mga award-giving body na madalas masabit sa controversy.

Sino ba naman ang hindi makalilimot sa film festival scam episode starring Nanay Solis, Rufa Gutierrez at Gabby Concepcion?

At ang TOYM awards ng Manila Jaycees, marami nang dekadang lumipas na ang nanalo ay mga taong pinagdududahan na sangkot sa mga anomalya sa private sector?

Kayrami ring award na ibinibigay sa mga “public servant” na halos tatlo-piso na lang ang halaga? Nariyan ang best outstanding senator, most outstanding congressman, most outstanding mayor, most outstanding councilor, most outstanding barangay chairman, etc.

May lagayan nga kaya talaga sa patimpalak na ito?

Pati sa electronic media ay kayrami ang mga award. Bawa’t category ay may angkop na award.

Walang umuuwing luhaan.

Mayron ding award para sa mga mamamahayag at ang kanilang mga diyaryo.

Mukhang napakahalaga ng award na minimithi ng marami sa atin, bilang recognition sa husay nila sa bawa’t field of excellence.

Kaya lang, mayroong mga underserving na nakalulusot at na gagawaran ng ganyang pagkilala sa pamamagitan ng suhol.

Tungkol naman sa Cultural Center of the Philippines at mga ka alyado nito, siguro naman ay panahon na upang suriing mabuti ang mga lumalahok sa patimpalak na ito
dahil pera ng taumbayan ang involved dito.

Higit sa lahat, kailangan bang maya’t maya na lamang ay may national artist? Kung wala namang karapat-dapat ay puwede bang hinay-hinay lamang kayo sa pagbibigay ng award sa mga gusto ninyong parangalan.

At sana ay huwag namang kung sino-sino na lamang ang maging judges sa pa-contest na ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply