Away na talaga vs China

HABANG sinusulat ko ito ay naghihintay na ako ng eroplanong sasakyan ko papunta ng Beijing, China.

Beijing Auto Show ang pupuntahan ko doon, pero siyempre magmamasid pa rin ako sa mga nagaganap sa loob naman ng China kaugnay sa tensiyon natin sa kanila.

Naisip kong isulat ito dahil may isa akong dapat kasama na hindi binigyan ng visa ng Chinese Embassy rito sa Maynila dahil isa siyang batikang reporter sa telebisyon at medyo may duda yata ang embassy sa totoong pakay niya sa China.

Naka-kuwentuhan ko si Jiggy Manicad noong Biyernes sa party ng Hyundai sa Manila Peninsula.

Ipinagdiriwang kasi ni Fe Agudo, Presidente ng Hyundai sa bansa, ang pagkapanalo ng Hyundai Elantra niya bilang Car of the Year sa atin.

Pero tsaka na ang tungkol sa mga Koreano, dadating din tayo dun. Kay Jiggy muna tayo at ang experience niya sa loob ng Chinese Embassy may isang linggo na ang nakakaraan.

Nang ipasok ng host naming Foton ang mga application do-cumenst para sa Beijing Auto Show, hiniling ng embassy na ma-interview ng personal si Jiggy Manicad.

Marahil ay nakilala si Jiggy dahil isa siyang TV personality.

Sa kasamaang palad, yung araw ng interview ni Jiggy ay yun ding araw na nilusob ng mga militante ang Chinese Embassy.

Mainit ang ulo ng opisyal ng Chinese embassy na natokang kunin ang interbiew ni Jiggy. Sinisigawan lahat ng mga Filipinong nasa harap niya at ng dumating si Jiggy ay pasigaw na ipinagtabuyan umano ang ibang Filipino sa kuwarto.

Nang maharap si Jiggy, nagwawalang nagtanong ang consul kung ano ang business ni Jiggy sa China.
Mabilis ang paliwanag ni Jiggy na Beijing Auto Show lang ang ipupunta niya doon.

Pero hindi naniwala ang Chinese official at sa halip ay pinagsisigawan at pinagbibintangan ng kung ano ano ang kaibigan nating TV reporter.

Kung akala po natin ay sisiw ang problema natin sa China, ang karanasang ito ng ating kaibigan ang magpapakita na seryoso ang mga Chinese sa kanilang ginagawa.

Hindi basta iringan lang ang nangyayari sa Scarborough Shoal at malamang ay mapunta ito sa harapang away kung hindi haharapin nang maayos ng

pamahalaan natin ang problemang ito.

Kung reporter lamang na sisilip sa mga kotseng ibinebenta ng China ay pinagdududahan na ng sobra, ano pa kaya yung mga pag-ikot-ikot natin sa Panatag Shoal?

Ano pa kaya ang war-games na ginagawa natin kasama ang mga Amerikano sa Palawan?

Matagal nang praning ang China, lalo na sa mga Amerikano. Matagal na rin nilang inaangkin ang lahat ng lupa sa paligid nila na base sa kanilang kasaysayan ay pag-aari raw nila.

Kung hindi tayo mag-iingat at panay tamad na solusyon ang ihaharap natin, malamang na open hostility ang harapin natin sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal.

Tingnan po ninyo sa mapa, hindi malayo sa Manila Bay ang pinag-aawayang teritoryo. Medyo delikado tayo sa isang hostile posture ng China kung

magpapadala sila ng kanilang Navy doon.

Konting pino lang po at diplomasya, pero damihan ang trabaho at pag-aaral para makalabas tayo sa gusot na ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply