Away-relihiyon sa Cotabato cockpit blast

AWAY sa relihiyon ang isa sa sinisilip na motibo ng pulisya sa pagpapasabog sa isang sabungan sa Aleoson, North Cotabato nitong Sabado ng hapon, ikinamatay ng tatlo at ikinasugat ng 33.

Sinabi ni provincial police chief Superintindent Conrado Salinas kaninang umaga na may mga insidente nitong mga nakaraang linggo lamang sa Barangay Tonganon kaya nagkaroon ng sigalot sa pagitan ng mga Kristiyano at mga Muslim na ayaw na nilang maulit pa.

Dahil naman sa insidente ay nagpakalat na ng kapulisan at pati na rin ng mga sundalo mula sa Philippine Army para sa lalong madaling panahon ay mahuli ang bomb thrower na isa ring residente sa lugar.

Nito lamang Sabado ng alas-2 ng hapon, sumambulat ang isang granada sa loob ng isang sabungan sa Sitio Lapu-Lapu sa Barangay Lawilli.

Dead on the spot sanhi ng shrapnels sa iba’t ibang parte ng katawan si Fermin Caloguin habang hindi na umabot nang buhay sa ospital si Vicente Sabando at isa pang hindi nakuha ang pangalan.

Isinugod naman sa iba’t ibang ospital upang lapatan ng lunas ang tinamong kapansanan ng mga sugatang mananaya na karamihan ay mga Kristiyano,

Iniutos naman agad ni town Mayor Loreto Cabaya ang pag-iimbestiga hinggil sa insidente.

Ayon kay Cabaya, may ilang miyembro ng pamilihan sa Barangay Tonganon ay sangkot sa bloody clan wars.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply