Ayaw nang makisawsaw sa isyung nadamay lang naman siya!

SENTRO ng usapan sa birthday and thanksgiving blow-out ni Pandi Mayor Enrico Roque sa Amana Water Park na ginanap noong Miyerkules, ang pagdedemanda ni Ara Mina kay Cristine Reyes. Late kasing dumating ang dalawang reporters na very close kay Ara na sina Pilar Mateo at Leo Bukas dahil anila, galing pa sila sa Quezon City Hall at sinaksihan at naki-interview tungkol diumano sa mga ‘balahurang text ni Cristine sa kanyang Ate Ara. Sinampahan ni Ara ng kasong libel at grave coercion ang half-sister niyang si Cristine Reyes sa Quezon City Hall of Justice sa sala ni Fiscal Ramoncito Bienvenido Ocampo, Jr.

Nabasa rin namin sa complaint ni Ara ang mga text diumano ni Cristine sa kanya. Grabe hindi namin ma-take at makain ang masasamang text ni AA kay Ara. Kakaloka to the max. Maseselan at walang pagresto sa nakatatandang kapatid. Huwag na lang isiping magkapatid kundi respeto bilang isang tao na lang. Grabe at may singilan pa ng utang.

Kung mas maginhawa ngayon at nasa kasikatan si Cristine, dapat siguro ay iniintindi na lang niya kung may sisingilin siya sa kanyang Ate Ara. Wala naman siya sa kinalalagyan niya ngayon kung hindi niya naging passport ang Ate niya sa pagpasok niya sa showbiz. Aminin man o hindi ni Cristine, malaki ang nagawa ni Ara nu’ng nagsisimula siya.

Nu’ng kasagsagan ng kita ni Ara sa showbiz, isa rin naman siya nakinabang at ang kanyang pamilya. Mukhang nakalimutan na rin ni Cristine ang lahat ng nagawa ni Ara sa kanilang pamilya.

Nakakalorky rin dahil kahit isang Kapuso actor na ex ni Cristine ay sangkot din sa text at naungkat pa ang nakaraan.

Sangkot din ang isang politician na ex ni Aiko Melendez sa awayan sa text ng magkapatid.

Nakalolokang rebelasyon ‘yun dahil lumilitaw na iisa lang ang taste nina Ara at Aiko. After kay Jomari Yllana, sa isang politician naman daw.

Ang nakakaloka, binulabog pa diumano ni Cristine ang nanay ng politician sa text against kay Ara.

Maiskandalo talaga ang mga text na ‘yun na kung saan ay maghaharap na lang sa korte ang magkapatid.

At sa puntong ito, mas marami ang kumakamping press at nakikisimpatya kay Ara kaysa kay Cristine.

-0o0-

SAMANTALA, kung dati nga naman ay obscure at ‘di kilala ang bayan ng Pandi sa Bulacan, nowadays, luminaw ang puwesto nito sa mapa sa Central Luzon dahil sa Amana Water Park ni Mayor Enrico Roque. Dati kasi pag sinasabi mong Pandi, ang isasagot sa iyo ay saan ‘yun?

Minsan pa, narinig namin yung kuwento sa punto de vista ng isang dating mananampalok at kung paano siya nagpunyagi para maabot ang tagumpay. Sa kinatatayuan din ng Amana ay nababalik-tanaw niya ang dating puno ng sampalok na inaakyat niya.

Tinanong din kung ano ang update sa demanda nilang libel ni Mayor Patrick Meneses kina Aiko Melendez at ilang columnists kasama ang aming patnugot na si Pete Ampoloquio.

“Sa case kasi, ayaw kong sabihin na ako’y sumunod lang sa kanila. Hindi ko talaga ipinursue yung kaso against Aiko kasi hindi ko naman masisisi si Aiko kung nagkaroon man silang dalawa ng alitan kasi ako damay lang dun, e! Para bang pag itinuloy ko pa ‘yung kaso, parang ipinilit ko pang ipasok ‘yung sarili ko sa isang bagay na hindi naman ako kasama. Sasabihin pa ng ibang tao, hanging lamig ka lang naman diyan, e, bakit mo pa ipinagpipilitan?

“Sa totoo lang po, hindi ko siya talaga i-pinursue. Sabi nga sa akin ni Mayor Patrick,’ bakit ba ikaw pare, hindi ka uma-attend ng hearing, abogado mo hindi uma-attend?’ Ang sagot ko :“Pare, sa totoo lang, hindi ko talaga gusto itong pinasok ko kasi parang ang pangit naman na ako ang magtutuloy ng kasong nahawa lang ako rito. It’s between you and Aiko, away niyo ‘yan,” aniya.

Bakit may lumalabas na pinapa-reinvestigate ‘yung kaso ni Aiko at ilang columnists?

“Si Patrick ‘yun. Ibang ano ‘yun,e! Sabi nga niya sa akin, pare baka sa ginagawa mong ‘yan, mabawasan ‘yung merito ng kaso. Sabi ko, pare masyado nang mahaba ang tinatakbo natin. Kumbaga, hindi na kayang hatiin ang oras ko para intindihin pa ‘yung kasong ‘yan sa rami ng problemang kailangang asikasuhin ko sa bayan ng Pandi,” sey pa niya.

Nagalit ba si Mayor Patrick sa desisyon niya?

“Ay, hindi naman. Naitindihan niya na hindi ‘yun talaga ang gusto ko at ayaw ko rin ng taong kaaway,” aniya pa.

“Ipinapaliwanag ko rin sa kanya na ayaw kong dumating ang araw na sa kaaasikaso ko sa kaso, silang dalawa ang magkasundo at ako ang maiwan. Kadalasan ganyan ang nangyayari. Nauna lang ako na nag-isip dahil sabi ko sa kanya, pare, tandaan mo ito, kayong dalawa ay nagkaroon ng relasyon. Maaaring pangit ang salitaan niyo ngayon pero pag kayo’y nagkasundo, babalik din ‘yan kaya sana ‘yung mga salitang pangit ‘wag niyong bibitawan lagi. “Kahit kay Aiko pag magkakausap kami, ‘yun din ang gusto kong sabihin sa kanya na.. ako ay wala pong kahit konting sama ng loob with Aiko. Naiintindihan ko siya. Iba talaga pag nagmamahal,” deklara pa niya.

Paano kung magkita sila ni Aiko, ano ang sasabihin niya?

“Hindi ko alam. Basta sa akin ‘pag tinanong niya ako, sasabihin ko sa kanya ang totoo na wala na sa akin yun,” bulalas pa niya.

Anyway, gusto naming pasalamatan ang mga nag-asikaso sa amin sa Amana sa pangunguna nina Ms. Vangie Ruiz, ang Pandi Tourism officer na si Joy Sison, si Joana May Enriquez ng BIR, Jennylyn Tud, Mary Ann Cruz at Alvin Lopez. Hindi talaga nila pinabayaan ang press at mula umaga hanggang gabi ay walang tigil sa pagkain. Patunay lamang na magaling na leader si Mayor Enrico Roque dahil systematic at walang mairereklamo sa pag-asikaso ng mga tao niya.

Mabuhay kayong lahat!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply