B-Meg paluluhurin ang Kings

NAKATAKDANG tapusin ng B-Meg Llamados ang sister team nilang Barangay Ginebra Gin Kings bukas ng gabi (Linggo, Abril 15) sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome.

Namumuro ang mga bataan ni B-Meg head coach Tim Cone matapos nilang tambakan ang Kings, 83-73 kagabi sa Big Dome.

Tangan ng Llamados ang 2-0 sa kanilang best-of-five semifinals series kung saan ay isang panalo na lamang at tatapak na sila para sa championship slot.

Si PJ Simon ang nanguna sa Llamados sa huling minuto ng labanan ng isalpak nito ang naagaw nitong bola at dalawang free throws para sa kanilang four point lead.

Nanguna sa opensa ng B-Meg ang kanilang import na si Denzel Bowles na may 21 points, sinundan siya ni James Yap na nagsalpak ng 16 markers habang 15 ang inambag ni Simon.

Naitarak din ni Yap ang kanyang ika-700 3-pointer ng pumasok ang kanyang tira sa unang canto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply