Babaeng sumakay sa butanding nag-sorry

MAKARAANG paimbestigahan ng Bureau of Food and Aquatic Resources (BFAR) ang kumakalat sa social networking sites na mga larawang sinasakyan na parang laruan ang isang butanding ay nag-sorry na ang babaeng nakuhanang nasa ibabaw nito.

Ayon kay Carelle Listones, nangyari ang insidsente sa Cebu City at humihingi siya ng paumanhin sa kanyang nagawa at inaming hindi niya alam na bawal palang hawakan ang butanding.

Matatandaang natadtad ng negatibong komento ang larawan ni Listones na kumalat sa Facebook dahil sa kanyang pagpatong sa butanding habang nagpapakuha ng larawan.

Ayon sa BFAR, hindi dapat hinahawakan ng mga tao ang butanding at lalong hindi puwedeng patungan o sakyan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply