Baby Nate mana kina Ogie at Regine

KAPAG kinakausap si Ogie Alcasid hinggil sa anak nila ni Regine Velasquez na si Baby Nate, masigla at tipong nawawala ang kapaguran sa sunud-sunod na assignments niya bilang actor-comedian.

Happy si Ogie sa unang anak na lalaki na si Baby Nate. (Dalawang babae ang magkasunod niyang anak kay Michelle Van Eimereen na sina Sarah at Leila).Bukod sa hawig ito ni Ogie, kinakitaan na rin ng pagmana ang bata sa parents niyang parehong magagaling kumanta. Kapag may-I-sing sina Regine at Ogie, very attentive si Baby Nate. Parang gustong mag-hum na rin.

Dahil sa pagiging hands on ni Regine kay Baby Nate, di malaman kung kailan muli siyang lalabas ng regular sa Party Pilipinas. Lumalabas lang siya kapag importanteng okasyon.

Si Ogie naman ay halos wala nang oras para magpahinga, lalo na ngayong sisimulan na niya ang bagong soap na ipalalabas bago ang 24 Oras, ang “Daddy Dearest.” Sa title lang ay makikita ng comedy ito. Magsusuot babae rito si Ogie para maging kapalit ng asawa niya sa pag-aalaga ng kanilang dalawang anak sa flow ng istorya. Lalabas na asawa ni Ogie sa soap ay si Roxanne Ginoo na isang Kapuso na ngayon. Kasama rin sa cast sina Jackie Lou Blanco, Pauline Luna at JC Tiuseco .

Bukod sa bagong soap, may dalawang pelikula siyang ginagawa ngayon, ang Boy Pick Up na partner si Solenn Huessaff. Ginagawa rin niya ang isang musical-comedy movie na kasama sina Zsa Zsa Padilla at Eugene Domingo.

May bago pang programa si Ogie sa GMA7 na mapapanood tuwing Saturday night, ang Pare-Pare na kasama ang co-star niya sa Bubble Gang na si Michael V.

Positive si Ogie na magagampanan niya ang lahat ng trabaho. Puwedeng bago magsimula siya ng taping ay tapos na ang shooting ng isang movie niya.

Winner pa rin ang Bubble Gang tuwing Friday night bilang pinakamatagal na gag show sa Pilipinas sa telebisyon. Summer special pa rin na kinunan Pagbilao, Quezon ang ipalalabas kung saan panauhin sina Michelle Madrigal, Betong at Chariz Solomon.

Tampok na gag ay Sirena. Siyempre, kasama pa rin ang kinagigiliwang portion na Cheche Bureche, Pick Up Lines at Ang Dating Doon. May bagong portion na Malakas at Maganda.

000

SPEAKING of Roxanne Ginoo, bago pumunta ng GMA-7, lumabas siya bilang wife ni Oyo Boy Sotto sa soap ng TV5 na Valiente. Pivotal ang role ni Roxanne kahit sa kalagitnaan na siya lumabas dahil arranged marriage lang ang kasal nila nina Roxanne at Oyo Boy. Hindi naging matatag ang kanilang pagsasama, bagkus, nalaman pa ni Roxanne na may ibang mahal si Oyo Boy. Tuloy, naging daan pa rin ito na later on sa istorya ay papanig si Roxanne sa pamilya Valiente.

000

‘DI SASAMA si Marian Rivera kay Dingdong Dantes sa Malaysia para i-promote roon ang isang soap opera na pinagsamahan ng magsyota na ipinalalabas ngayon doon na nagtre-trending sa internet ngayon.

Mas pinaboran ni Marian ang pagpunta sa presscon ng bago niyang programa, ang dramedy na Tweets For My Sweet ngayong Thursday night.

Ibang-iba ang Tweets For My Sweet sa heavy drama soap ng magdyowa na My Beloved na balitang naming extended (Etchossssss! Charooooot! – Ed) ang airing for two weeks.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply