Back to normal, Caltex at pasahod sa Cavite

BAGO nag-Semana Santa, grabe ang dinanas na trapik ng Metro Manila.

Bakasyon na, wala na sa lansangan ang milyon-milyong estudyante, pero grabe talaga ang trapik.

Marami na ang mga sasakyan ng mga estudyante ang nakagarahe at marami ring dyipni ang hindi bumibiyahe dahil sa pagkalugi sa mahal na petrolyo at kakulangan ng pasahero.

HUKAY NG DPWH

Pero talagang mabigat ang trapiko palibhasa, kahit saan, may hukay.

Kung hindi hukay yan ng Department of Public Works and Highways, hukay naman ng Maynilad o Manila Water.

Ang sabi ng DPWH at city governments, hindi na baleng matrapik basta mahabol lang nila ang tag-araw.

Ginhawa naman umano ang darating dahil naaayos ang mga kalsada.

HUKAY NG MAYNILAD

Itong mga konsesyonaryo naman ng tubig gaya ng Manila Water at Maynilad, dapat silang sumabay sa mga hukay. Pero madalas na may sariling schedule ang mga lintek na ito.

Makaraang magawa ng DPWH o city hall ang kanilang mga proyekto, babakbakin naman sila ng Maynilad lalo na.

Kung may isang buwan na gagawa ang gobyerno ng  proyekto, daragdagan ng Maynilad yan ng isang buwan din.

Eh ‘di doble ang hirap sa trapik ng mamamayan.

‘Yun ba namang maliit na hukay ng Maynilad ay ang lalaki ang mga sakop.

Karaniwang kalahati ng kalsada ang isinasara at wala pang tao na nagbabantay.

Kaya may mga nasu-shoot na taxi o motorsiklo sa mga ito.

Marurupok din ang mga pagsesemento na ginagawa sa kanilang mga hukay at hindi kasintibay ng gawa ng DPWH.

BALIK SA  ABNORMAL?

Ngayon, mga Bro, isang tanong: babalik ba sa abnormal na trapik ang Metro Manila?

Nagtatanong tayo dahil ang daming nauubos na oras ng lahat dahil dito.

Ang dami ring konsumo sa petrolyo na hindi naman dapat sanang mangyari.

Dahil itong mahal na gasolina talaga ay nakamamatay hindi lang ng hanapbuhay ng mga tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan kundi sa mga maliliit na negosyo.

Tinitiis na lang ng lahat ang mahal na gasolina at ewan natin kung hanggang kailan magwawakas ang kanilang pagtitiis.

UZI TEXT

Text ng mga uZIserong buwisit na sa sistema.

MANDARAYANG CALTEX

Good morning, Sir Benny. Pakibigyan ng pansin ng ULTIMATUM ang caltex diyan sa Estrella, Makati. Kasi kahit staff nila hindi na matiis ang pandaraya. Halos tatlong araw kina-calibrate nila at nakita ko pa nang nagpa-gas ako. Paki lang. Salamat po. Regular akong nagbabasa ng kolum niyo. +63915582….

MUKHA NAGKALAT SA MGA PROYEKTO

Dito sa buong Bataan, nagkalat ang mga mukha ng mga mag-aama na Garcia na pulitiko sa lahat ng proyekto nila. Pati sa mga patrol car ng iba’t ibang barangay, nakadisplay ang mga mukha ng mga Garcia. Please don’t publish my number.

KONTRA TAAS-PASAHE

Sir, good am po! Akala ko po, maka-masa ang acto  o Fej0dap, ang leaders ng mga jepney driver. Bakit po pinatataas nila ang pamasahe? Hindi ba nila alam na ang masa rin ang naghihirap sa ginagawa nila tulad ngayon? Dapat pinababa na nila ang presyo ng gasolina at hindi tinaasan ang pamasahe. Salamat po. +639477850822

NAGYOYOSING MGA DRIVER

Sir, magandang umaga po sa inyo. Gusto ko lang ireklamo ang mga jeepney driver na nagyoyosi sa biyahe. Sana naman ipagbawal yan. +63910766….

DPWH PROJECT ‘DI NATATAPOS

Sir, may problema pag kailangan ng masa ang maglakbay sa Pagbilao at Atimonan, Quezon. ‘Yang kontraktor na gumagawa ay napakabagal. Ilang taon nang ginagawa ang kalsada pero ‘di matapos-tapos. Mag-isa lang ang kontraktor. Bibilang ng taon pag ‘di inaksyunan yan? Salamat po. Gising, DPWH. +6391996….

3 BUWAN BAGO MAGPASAHOD

Good am po, sir. Dito sa amin sa Rosario, Cavite, bago po magpasahod ang munisipyo, 3 buwan ang pagitan. Ask ko lang po: Ganito ba talaga ang pasahod ng pamahalaan. Tatlong buwan muna bago pasahurin ang mga worker. Thankyou po. +63910712….

SMART KAWATAN

Sir Benny. Sobrang magnakaw ng load ang Smart, Kasi nag-load ako ng P30 sa umaga. Wala pa naman akong pinaggamitan tapos pagdating ng hapon, zero balance na. Siguro magnanakaw talaga ang mga may-ari ng Smart na ito kaya pala sila ubod ng yaman. Please don’t publish my number. Thanks.

DUGASAN SA SECURITY AGENCY

Warningan niyo nga po itong operations officer ng, Saint Labrador Security and Investigation Agency.  Kawawa naman po kami kung mahuli ng SOSIA. Hinold po ang mga license namin. Fully paid na po pero P3,500 ang hinihingi sa amin. His CP numbers are 09175121968/09204683822. Please lang po. +63935798….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply