Bading sa Miss Universe

AY naku! Eto na nga ba ang sinasabi ng Free Spits eh!

Sa sobrang liberal ng mundo ngayon, akalain ninyong pati mga bakla ay malamang na payagan nang sumali sa Miss Universe!

Galing ang kasong ito sa Canada. Doon ay may isang Jenna Talackova na nanalo ng Miss Canada at siyang magiging pambato ng Canada sa Miss Universe Pageant.

Ang kaso niyo, tumalak ang Talackova na hindi pala siya babae nung ipinanganak siya.

Dati pala siyang lalaki at naging seksi lang matapos ang isang sex change operation.

Nagkagulo na ang mundo nang alisin ang korona sa kanya at mag-sampa siya ng kaso laban sa organizers ng Miss Universe sa Canada.

Ipinaglalaban daw niya ang karapatan niya!

Eh ano namang karapatan iyon?

May problema na nga ang mga bakla sa mundo dahil maraming nahihirapang tanggapin sila, hihirit pa  itong  si  Talackova ng galaw na lalong sisira sa pinaghirapan ng iba niyang kabaro.

Wala po akong problema sa mga bakla. Marami akong kaibigang bakla at tomboy.

Masaya sila kasama at nalalapitan ko pa sila sa mga panahon ng dusa at paghihirap.

Totoo po iyan!

Pero Miss Talackova, kaya nga tinawag na Miss Universe eh!

Para sa mga babae ito! Hindi po tayo kasali rito!

Tanong ko po. Puwede ba sumali ang mga lalaki sa Miss Universe? Hindi, ‘di ba?

Puwede rin bang sumali ang mga babae sa Mr. Universe? Lalong hindi, ‘di ba?

Ngayon, kung biglang sumali si Janine Tugonon sa Miss Gay Pageant, di kaya mainis kayo pag siya yung nanalo dahil babae nga siya eh!

Itaguyod na lang sana ni Talackova ang Gay Movement, at dun sa mga kumakampi sa kanya, tulungan ninyo ang Gay Society na sumulong paharap, hindi paurong.

Dahil tapos na ang panahon na nagpapanggap na babae ang Gays. Ngayon, sa obserbasyon ng Free Spits, ang hinahabol ng Gay Community ay recognition na sila ay dapat tanggapin at irespeto bilang sila, hindi bilang lalaki o babae, kundi bilang sila.

Sundan ang iba pang ngawngaw ko sa http://freespits.wordpress.com o kaya email ninyo ako sa ira_p@hotmail.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply