Bagong ambassador iluklok na sa China

NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) kay Pangulong Benigno Aquino III na magtalaga na ng bagong ambassador sa China na mangunguna sa negosasyon upang mapahupa na ang sitwasyon sa kontrobersyal na Scarborough Shoal.

Ayon sa isang opisyal na tumangging pangalanan, mabigat ang trabaho ng isang ambassador sa bansang pinaglilingkuran nito dahil ito ang tumatayong punong opisyal ng isang bansa.

“Maganda kung may tao tayo sa China. Mapapadali ang pag-uusap para maresolba ang sigalot sa Panatag Shoal,” pananaw pa ng opisyal ng kagawaran.

Sinabi pa nito na alam naman ng pamahalaang China na nagkaroon ng problema sa pag-upo ni Ambassador Domiingo Lee bilang punong opisyal ng Pilipinas sa komunistang bansa, kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon si Lee na maibigay ang credential nito sa Foreign Ministry ng China.

Matatandaan na binawi na ni Pangulong Aquino ang pagtalaga kay Lee bilang Philippine Ambassador to China matapos hindi makumpirma ng Commission on Appointments (CA).

Sinabi naman ni Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez na nagpapatuloy pa rin ang tensyon sa pinag-aawayang grupo ng mga islang malapit sa lalawigan ng Zambales.

Ayon pa kay Hernandez, nagpapatuloy ang standoff matapos dumaong sa Panatag Shoal ang dalawang surveillance ships ng China, habang nandoon din ang barko ng Coast Guard.

Umaasa rin ito na mareresolba sa lalong madaling panahon ang sigalot sa Scarborough Shoal kahit na tumanggi ang China na samahan ang Pilipinas na dumulog sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) upang malaman kung sino sa dalawang bansa ang tunay na nagmamay-ari sa mga kumpol na islang hugis triangulo.

Aniya, diplomatiko lamang ang tanging solusyon sa pinag-aagawang Panatag Shoal kaya dapat pakinggan ng China ang panawagan.

Nauna nang napabalitang tinanggihan ng China ang mungkahi ng Pilipinas subalit inihayag naman ni Hernandez na wala pang natatanggap ang kagawaran ng pormal na kasagutan mula sa China.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply