Bagong ambassador to China itatalaga ni PNoy

KINOKONSIDERA ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagtatalaga ng bagong Philippine Ambassador to China, kapalit ni Domingo Lee matapos tatlong beses na ma-bypass ng Commission on Appointments (CA) bunsod ng pagharang ni Sen. Serge Osmeña.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang kinatawan ang Pilipinas sa China gayung patuloy na umiinit ang tensyon sa West Philippine lalo na sa insidente sa Scarborugh Shoal.

“I’ve been considering it and I expect a resolution soon on that matter, perhaps earlier than previously planned. “Yes, that’s a possibility, a distinct possibility,” ani Pangulong Aquino.

I’ve been considering it and I expect a resolution soon on that matter, perhaps earlier than previously planned.

Aniya, pinag-aaralan niyang mabuti ang pagno-nominate ng bagong ambassador ng Pilipinas sa China lalo sa kasalukuyang sitwasyon.

Ayon sa Pangulo, bigyan lamang siya ng sapat na panahon bago mag-anunsyo ng ipapalit kay Lee.

“Can I finish my considerations before I appoint somebody?” anito sabay sabing “Primarily, baka, we have to listen also to the wisdom of the commission on

appointments, no? Specifically, one member na yon, are there grounds for it? Has the situation changed, that changes also the parameters of the ambassador we need in China? Yung – he was appointed a year ago, and the considerations were different. Yung ngayon, you have the Scarborough Shoal incident, and there are other issues, does he possess the necessary skills, no, to be able to help us navigate this treacherous water at this point in time?,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply