Bagong diplomatic protest inihain ng PHL vs China

NAGSAMPA ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.

Ito ay kasunod ng harassment ng Chinese vessel at aircraft nito sa Philippine Research Boat na M/Y Sarangani sa Bajo de Masinloc sa Scarborough shoal.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, na malinaw na isang paglabag sa National at International Maritime Law ang ginawa ng China sa Pinas.

Umaasa ngayon ang gobyerno na agad aaksyunan ng China ang nasabing insidente.

Samantala, una nang sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi makikipagdigmaan ang bansa sa China.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply