Bagong ‘kapaligiran’ sa Earth Day Jam 2012

Sa pangunguna ng Philippine rock icon, Father Satur Neri recipient envi-artist Lou Bonnevie, creative honcho Toto Gentica at ng kanilang production outfit na Dimitri Productions, ang pinakamalaking street party na inaabangan ng karamihan sa ngayon ay idaraos sa Sabado, Abril 28.

Ang Earth Day Jam 2012 ay gaganapin sa 9th avenue sa Boni High St., Bonifacio Global City, Taguig na maghahandog ng kakaibang musika at kaalaman ukol sa pag-aalaga ng Inang Kalikasan.

Ang Earth Day Jam 2012 ay magsisimula ng ganap na ika-apat ng hapon na may iba’t ibang “advocacy” booths mula sa DENR, Greenpeace, Tieza, at marami pang iba na magsisilahok na pawang “green” products.

Sa pagsapit ng ika-6 ng gabi ay magsisimula ang umaatikabong tugtugan mula sa iba’t ibang genres sa mundo ng musika.  Mula alternative, rock, reggae at acoustic ay maririnig ng mga dadalo sa nasabing okasyon.

Ang Philippines premier Brazilian-fusion artist Nyko Maca kasama ang band Gafeiera, ang folk guru na si Noel Cabangon maging ang Peace Pipe, na internationally renowned group na nag-uwi ng parangal sa bansa mula sa ibayong dagat tulad ng  “Artist of the Year” from Zim Carib radio sa New Zealand ay maghahandog ng awitin sa nasabing okasyon.

Si veteran artist-producer Lou Bonnevie ay mag-aalay ng awitin maging ang grupo ng pop-rock ng kababaihan katulad ng Imago, ang jazz pinoy soul quartet, Sino Sikat ay hindi rin magpapahuli sa paggunita sa mahalagang araw na ito para sa Inang Kalikasan.

Sa mundo ng rock-alternative ay naririyan ang Kjwan, Mayonnaise, Radio Active Sago Project kasama ang kanilang witty frontman na si Lourd De Vera ay na may kanya-kanyang handog para sa lahat.

Kaya makaaasa ang karamihan na makaririnig ng mga awiting mula sa iba’t ibang henerasyon. Sa dekada 60’s na ihahandog ng Bloomfields, mga tugtuging dekada 80’s katulad ng “Perfect,” “Huwag Na Lang Kaya” mula sa bandang True Faith, mga awit mula sa Pop sensation na sina Nina at Juris at ang Tanya Markova na nagpasikat sa kantang “Picture Picture” ay makikiisa sa pagdiriwang na ito.

May environmental tips din na ibabahagi ang speakers mula sa “green” NGOS at government agencies.

Para naman sa mga karagdagdagang impormasyon maaaring tumawag sa 8976991 o  mag-log on sa www.dimitriproductions.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply