Bagong laya sa kulungan itinumba ng 4 killer

PATAY ang isang bagong laya sa kulungan matapos pagbabarilin ng dalawa sa apat na hindi pa nakilalang suspek habang ang una ay sakay ng tricycle sa Sanciangco St., Malabon City kagabi, Abril 21.

Dead on the spot si Tomy Thomson, 30, ng 48 Sanciangco, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas 8:35 ng gabi sakay ng tricycle (PX – 1831) ang biktima nang harangin ng apat na suspek malapit sa tulay ng Catmon at Tonsuya sa kahabaan ng Sanciangco.

Agad hinatak ang biktima palabas ng tricycle saka pinagbabaril gamit ang kalibre 45.

Narekober sa lugar ng insidente ang 8 empty shell ng kalibre 45.

Ang biktima ay bagong laya sa kulungan sa kasong paglabag sa RA 9165  Sec.11 matapos makapaglagak ng piyansa sa korte.

Inaalam na ang pagkakilanlan ng mga salarin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply