Bagong missiles ipinarada sa 100th b-day ng NoKor founder

KAHIT pumalpak ang isinagawang rocket launch ng North Korea, bumawi naman ang nasabing bansa sa mismong araw ng selebrasyon ng ika-100 kaarawan ng founder ng bansa na si Kim Il-Sung, ang lolo ng bagong lider na si Kim Jun-un.

Ito ay makaraang iparada ng militar sa Pyongyang ang kanilang mga missiles na inaasahang lalong magpapadagdag sa agam-agam ng international community kaugnay sa nuclear program ng komunistang bansa.

Nagbigay din ng kanyang kauna-unahang public speech ang bagong lider kung saan sinabi ni Kim Jung-un, kalimutan na ang palpak na paglunsad ng kanilang rocket nitong Biyernes at harapin na ang “final victory.”

“Let us move forward to final victory,” ani Kim.

Sa huli ay binigyang pugay ng lider ang kanyang lolo at ang namayapang ama na si Kim Jong-il.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply