Bagsak na rating tanggap ng Malacañang

TANGGAP ng Malakanyang ang pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kaugnay sa satisfaction rating ng Aquino administration.

Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ang importante ay may tumatanggap pa rin sa mga inisyatibo ng pamahalaan.

“We have always maintained that surveys are a reflection of the national mood and are valuable tools in feeling the pulse of our people at a given time. With 64% of respondents remaining satisfied with the Aquino administration, we take this as strong support for the straight and narrow path that we have consistently pursued,” ayon kay Usec. Valte.

sa ulat, bumagsak ang public satisfaction ng administrasyong Aquino sa “good” mula sa “very good” nitong buwan ng Marso lamang.

Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na may petsang Marso 10 hanggang 13 kung saan 64 porsiyento ng respondents ay satisfied, habang 18 porsiyento naman ang  dissatisfied habang may general performance “good” net rating na +46.

Sinasabing 10 points ang ibinaba ng gobyernong Aquino para ma-maintain ang “very good” +56 sa nakaraang two quarters ng 2011.

Lumabas din sa survey na kumpara sa +64% “very good” at ang pinakamataas na porsiyento ng Aquino administration ay na-enjoy lamang noong mga unang buwan sa tanggapan ng Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, mas mataas naman aniya ito sa nagdaang administrasyon ayon sa SWS.

Sinasabing bumaba ang net ratings ng Aquino administration sa “good” mula “very good” sa lahat ng tinatawag na geographical areas at socioeconomic classes maliban sa Mindanao at Class E.

Sa Mindanao ay bumaba ng isang porsiyento mula +56 ay naging +55 ang net rating ng gobyerno ay kapansin-pansin naman na 18 puntos ang nabawas na nagresulta ng +46 ang naitala sa Metro Manila; 13 points naman ang nabawas kaya naging +39 sa Balance Luzon [Luzon maliban sa Metro Manila]; at 9 na puntos naman ang nabawas na dahilan upang maging +49 sa  Visayas.

“By class, satisfaction stayed “very good” in class E at +52 from +53 last December, but plunged by 16 points to +38 among the ABC class and by 13 points to +44 in class D or the masa,” ayon sa survey.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply