Baguhang taklesang boarder ni Kuya, kinairitahan!

SARI-SARING komento sa Big 4 ng Pinoy Big Brother Unlimited nang iharap sila sa press. May breeding at marunong sumagot ang obserbasyon sa big winner na si Slater Young. Siya rin ang bet naming manalo at very vocal kami noon sa aming Twitter account.

Pantasya naman ng mga ordinaryong bading ang tingin kay Joseph Biggel. Hindi raw naiiba ang hitsura nito sa mga lalaking nahahada ng mga badikla.

Si Pamu Pamorada naman ay kailangan munang matutong sumagot dahil natutulala siya at halatang hindi pa sanay sa interbyuhan.

Si Paco Evangelista ay may kataklesahan dahil napansin talaga ang komento niyang pumapatol na lang sa bading ang mga actor na nalalaos.

Nag-comment tuloy ang isang movie scribe na kahit sikat ay pumapatol sa bading.

Naging kontrobersyal pa si Paco dahil sa internet ay sinasabing kamag-anak niya diumano si Direk Lauren Dyogi. Malakas raw siya kaya naging wildcard housemate ito at nakapasok sa Big 4.

Pinanindigan niyang hindi totoo ito. “Ni hindi ko nga po siya nakikita,” sey pa niya.

Pero ano nga ba ang katangian nilang taglay kaya pumasok sila sa Big 4?

“Ipakita mo lang ang talagang ikaw sa loob ng bahay. Hindi maganda yung magiging epekto sa housemates na nagpaplano o nag-iisip ng strategy para manalo lalo na sa paglabas nila,” giit ni Slater na isang licensed civil engineer.

Sa katunayan, nakapagdesisyon na rin si Slater na manirahan na sa Maynila para sa planong pasukin ang showbiz.

“Gusto ko talagang mag-acting at mag-drama. Sa ngayon, workshop lang nang workshop hanggang sa magkaroon na ng project,” saad niya.

Pinili rin niya si KC Concepcion na gustong maging ka-partner.

“Dati ko pa talagang crush si KC kasi sobrang simple niya pero alam mong may class pa rin siya,” aniya.

Kilala bilang kauna-unahang lalaking Big Winner ng regular na edisyon ng PBB, hinirang na Big Winner si Slater matapos makakuha ng 40.02% ng kabuuang bilang ng text votes at nagwagi ng P2 milyon, isang appliance showcase, Asian tour package, isang Internet TV, isang water-refilling store franchise, at special appearance sa isang Kapamilya program sa Estados Unidos.

Mula sa isang mayamang pamilyang nagmamay-ari ng malaking construction company sa Cebu, ginusto ni Slater na maging housemate upang patunayaan ang sarili sa kabila ng karangyaan sa buhay. Nagpamalas siya ng angking talino at diskarte sa mga pagsubok sa loob ng PBB house at ng kabutihan sa kapwa niya housemates.

Pakatutukan nga pala kung ano pa ang kayang gawin ng kabataang Pinoy sa PBB Teen Edition 4 kasama si Toni Gonzaga pagkatapos ng Dahil sa Pag-ibig sa Primetime Bida.

-0o0-

MAY birthday show ang kaibigang Jobert Sucaldito sa Zirkoh, Tomas Morato ngayong April 15, 10 PM Sunday sa Zir -koh, Tomas Morato kung saan ay tampok ang certified Comedy Concert Kings na sina Jose Manalo at Wally Bayola together with Knight of R & B Duncan Ramos entitled Knight of the Kings.

Pagkatapos ng matagumpay na concert nina Jose at Wally sa Araneta Coliseum, may bago na naman silang handog na kanta at katatawanan sa Zirkoh samantalang si Duncan ay kakanta naman ng mga hit songs nia sa album niyang Fly With Me.

“Hindi ako kailanman napagod sa panonood sa kanila. Palagi silang may bagong surprises tuwing sumasampa sila sa stage. Sa mga guests naman ay walang tapon, my gosh,” sey ng mega producer na si Jobert under Front Desk Entertainment Production. Presented  by People’s General Insurance Corp., Isabela Gov. Bojie Dy, Cagayan Rep. Jack Enrile and Laguna Gov. ER Ejercito. Ang major sponsors ay sina Albay Gov. Joey Salceda, Belo Essentials, Belo Medical Group, Chicken Inato, Doc Manny Calayan, Joel Cruz Signatures, Aficionado Germany Perfume, Quadro Frames, Mommy Tess Palado, Golden Bay Restaurant and Hannah’s Beach Resort (Pagudpod, Ilocos Norte).

Kasama rin sa show sina Prima Diva Billy, Boobsie, Joyce Yadao at ang bagong concert heartthrob na si Michael Pangilinan kung saan ay may special number siya kina DJ Alvaro at Duncan.

Bongga!

-0o0-

GUSTONG-GUSTO namin ang kanta ng bagong recording artist na Dk Valdez na “Tatanggapin Pa Ba kita?” Ito ang carrier single sa album niyang ‘DK Valdez.. It’s All About Love’ na release ng BWB Records. Dream niya na makasama sa isang concert si Sarah Geronimo.

Homebase siya sa Thailand na kung saan ay kumakanta sa mga hotels at bars. Tuwing  September hanggang December ay umiikot siya sa Europe para mag-show na kung saan ay may  150 orchestra siya at 200 choire na back-up. Tatlong taon na niya itong ginagawa sa tulong ng isang German na nagngangalang Maestro Win Siegfried Pentek.

Bumalik siya sa Pilipinas para mag-recording at tuparin ang kanyang pangarap na magkaroon ng solo album sa ating bansa.

Napapaloob sa album ni DK ang mga kantang ‘Just To Make You Stay,’ ‘Tatanggapin Pa Ba Kita,’ ‘Just Face Our Love Again,’ ‘Kahit Ano’ng Sabihin,’ ‘Akalain Ko Ba?’ ‘I’ll Be Right There For You. ‘ Singsing,’ ‘My Love Will See You Through,’ ‘Laging Babalikan’ at ‘Walang Ibang Mahal’.

Ni-revive ni DK ang kanta ni Toni Gonzaga na ‘Akala Ko Ba’ na composed ni Boy Christopher na siya ring album producer.

Mapapanood si DK sa fund raising show ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa May 5 sa Zirkoh Morato kung saan ay tampok sina Jose Manalo, Wally Bayola, Toni Gonzaga, Rocco Nacino, Albie Casi?o, Steven Silva, Michael Pangilinan, Divalet at naggu-guwapuhang grupo na ‘The Frontmen’.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply