Bail hearing ni Abalos dinumog ng kanyang supporters

DINUMOG ng daan-daang tagasuporta ni dating Commission on Elections chairman Benjamin Abalos ang kanyang bail hearing sa Pasay City Hall of Justice ngayong umaga.

Ang pagdinig ay sa ilalim ng sala ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) branch 117 Judge Eugenio dela Cruz.

Ngayon malalaman ang desisyon ng korte kung makapagpipiyansa si Abalos kaugnay sa kinakaharap na kasong 11-counts of electoral sabotage.

Sakaling payagan ni Judge Dela Cruz na makapagpiyansa si Abalos, malalaman na rin kung makapagpipiyansa si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, na nahaharap din sa kasong electoral sabotage.

Ayon kay Abalos, sakaling hindi makapagprisinta ng testigo ang prosekusyon o Comelec lawyers, kailangan magpasya na ang korte na pahintulutan siyang makapagpiyansa.

Matatandaan na noong nakaraang pagdinig, hindi naiprisinta ng mga abogado ng Comelec ang kanilang testigo na si dating Cotobato Comelec Supervisor Lilian Radam dahil tumaas umano ang blood sugar nito.

Ang pahayag ni Radam ang gagamitin ng prosekusyon para patunayang may basehan sila na madiin sa kasong electoral sabotage si Abalos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply