Baka na may MCD pinag-aaralan na ng USDA

PINATUNAYAN kanina ng United States authorities na walang panganib na dala sa tao ang natuklasang kaso ng mad cow sa California.

Ayon kay US Agriculture Secretary Tom Vilsack, hindi dapat matakot ang mga consumer na bansang na nag-iimport ng US beef dahil hindi ibinenta ang baka na may mad cow disease (MCD).

Aniya, American beef ang pinakamasarap na karne ng baka sa buong mundo kaya sinisiguro nila na hindi sila masisira sa kanilang importers.

Ani Vilsack, magpapadala siya ng sulat sa 20 pangunahing trade partners ng Amerika upang tiyaking ligtas kainin ang American beef.

Sinisiyasat na rin ng USDA kung paano nagkaroon ng mad cow disease ang baka.

Ipina-quarantine na umano nila ito at ipinapatay upang mapag-aralang mabuti.

Gayunman, minabuti na rin ng Kamusliman sa Pilipinas na bumili na lamang ng karne ng baka sa Batangas.

Ayon kay Charlie Corpuz, isang balik-Islam, mas ligtas kainin ang karne ng baka ng Batangas.

Bukod dito, makatutulong pa sa beef industry ng bansa, na makapagbibigay naman ng trabaho sa ilang Filipino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply