Bakasyon

BAKASYON na nga!

Ito ang pinakahihintay ng mga estudyante matapos ang napakahabang school year. Kaya naman “well deserved rest” naman sila kapag bakasyon.

Marami ang umuuwi pa sa kanilang mga lalawigan upang makapiling naman nila ang kanilang mga magulang. Kaya naman pag bakasyon masaya rin ang mga magulang.

Ngunit may iba naman na sa halip magpahinga ay humahanap naman ng ibang Gawain upang hindi masayang ang panahon. Noong ako ay nasa college pa, panay ang summer class ko upang makatapos agad. Resulta, nakatapos ang inyong lingkod ng tatlong kurso sa maikling panahon. Kaya’t hanga ako sa mga nagsa-summer class dahil wala silang sinasayang na panahon upang makatapos agad.

Ang iba naman ay kumukuha ng ibang mapaglilibangan. Tulad ng sports o sining kaya’t maraming sports program tulad ng swimming, basketball, football and iba pa na maaaring pag-ukulan ng pansin ng mga estudyante habang bakasyon. May mga acting, film o art work-shop din.

Kaugnay rito ang tuloy tuloy pa rin na proyekto ko na sinimulan ko noong ako ay konsehal ang Himig Ariel Scholarship Program kung saan libre ang singing, dancing at acting workshop. Si Maestro Al Tarca at kasamang Rod Forcado ang buong pusong umaalalay sa mga kabataang nakapaloob sa programang ito.

Ang iba naman ay naghahanap ng summer job upang makaipon at makatulong sa kanilang mga magulang. Hanga rin ang inyong lingkod sa mga ito dahil sa hirap ng buhay ngayon ay malaking bagay ang kumayod ang bawat isa sa pamilya upang maging maginhawa ang buhay.

Payo lamang sa mga kabataan na nagtatrabaho na bagama’t kumikita na kayo gawing prayoridad pa rin ang pag-aaral para makatapos.

May mga kilala rin ako na bagama’t bakasyon ay patuloy sila sa pag-aaral sa bahay.

“Advance” na binabasa nila ang magiging leksyon  nila  sa  susunod na baitang pagpasok sa Hunyo.

Dahil advance nilang pinag-aaralan ang mga “lesson” ay madali na sa kanila pagpasukan na.

Ang mga may kaya ay umu-upa pa ng serbisyo ng mga tutor para sa one-on-one na pagtuturo.

Syempre kailangan din na sulitin ang bakasyon. Kailangan din naman na may “wind up” para ma “refresh” ang ating isipan. Mainam din na mamasyal sa mga magagandang lugar.

Mag-swimming sa beach lalo na’t mainit ang panahon.

Sigurado na may programa ngayong bakasyon ang kagawaran ng Turismo upang tayo mismong mga Pilipino ay maenjoy and mga “tourist destination” ng bansa. “IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES” kaya’t unahin natin tangkilikin ang mga pasyalan sa ating bansa bago ang mga bansang banyaga. Marahil ang mga local na pamahalaan din ay may kani-kanilang programa upang mapasigla ang turismo sa kani-kanilang lugar.

Iba’t ibang paraan tayo upang maging pakipakinabang ang bakasyon. “Meaningful enjoyment” ika nga upang hindi masayang ang panahon. At ano man ang ating gawin, kailangan din ingatan natin an gating mga sarili para kapag pasukan na muli ay handa na tayo sa isa nanamang mahabang lakbayin tungo sa magandang kinabukasan.

****

Maligayang kaarawan kila Treasurer Zeny Hernandez ng Damayan Lagi, Jojo Jose ng Sacred Heart at Olive Lazarte ng Kaunlaran. God Bless.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply