Balang nakapatay sa ralista di galing sa SWAT

KINUMPIRMA ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na hindi galing sa mga baril ng Parañaque Special Weapons and Tactics (SWAT) ang balang nakapatay sa residenteng si Arnel Tolentino ng Silverio Compound.

Base sa pagsusuri ng National Bureau of Investigation (NBI), matataas na kalibre ang gamit ng SWAT tulad ng M-16 rifle taliwas sa indikasyon ng sugat na natamo ng biktima na galing sa .38 kalibre.

Ayon pa kay Robredo, positibo sa paraffin test ang naarestong residente na si Vic Endrada.

Patunay aniya na nagpaputok din ito ng baril sa kasagsagan ng girian kontra sa puwersa ng mga pulis.

Nag-positibo rin sa gun powder ang walong miyembro ng SWAT Team ng Parañaque na sumasailalim din sa imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply