Balikatan exercises ng PHL, US simula na

NAGSIMULA na ngayong araw ang 28th Balikatan Exercises ng Pilipinas at Estados Unidos.

Tatagal ang joint military exercises ng Armed Forces of the Philippines at United Forces hanggang sa Abril 27.

Lalahukan ang military exercises ng mahigit sa 6,800 puwersa ng Pinas at Amerika.

Tiniyak naman ni AFP Spokesman Col. Arnulfo Burgos Jr. na walang kinalaman at hindi makadaragdag sa tensyon sa Scarborough Shoal sa pagitan ng China at Pinas ang nasabing military exercises.

Kabilang sa mga gagawin sa nasabing training ay ang computer-simulated command post exercises, multiple field training exercises at humanitarian civic assistance projects sa ilang pre-selected areas sa bansa.

Ang naturang military exercises ay pinangunahan ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, U.S. Ambassador to Manila Harry Thomas Jr., AFP Chief of Staff Gen. Jessie Dellosa at iba pang top security officials at advisers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply