Balikatan exercises walang kinalaman sa Scarborough stand-off

NILINAW ngayon ang pamahalaan na walang kinalaman ang joint military exercises ng Armed Forces of the Philippines at United States Forces sa nagaganap na stand-off sa pagitan ng China at Pilipinas sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, matagal ng naka-schedule ang gagawing balikatan military exercises at wala itong kinalaman sa stand-off sa Scarborough Shoal.

Ipinaliwanag pa ni Valte na matagal nang ginagawa ang US Philippine Military Exercises kaya hindi dapat manibago sa pabalik-balik na tropa ng Amerika sa Pinas.

Mananatili ring bukas ang Pinas sa pagbisita ng mga US Navy ship at personnel para mag-refuel pero hindi pwede ang pakikisali sa anumang combat operations.

Kaugnay nito, inaasahang mahigit 6,800 tropa mula sa AFP at US Armed Forces ang lalahok sa taunang military exercise.

Kabilang sa mga gagawing training ay computer-simulated command post exercises, multiple field training exercises at humanitarian civic assistance projects sa ilang pre-selected areas sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply