‘Balikatan’ walang puwang sa bansa– obispo

WALANG puwang sa Pilipinas ang “balikatan exercises.” Ito ang sinabi ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa pagsisimula ng nasabing joint military exercises sa bansa ngayon.

Aniya sapat na ang kakayahan ng mga sundalong Filipino upang tugunan ang internal conflict at hindi na dapat makialam ang mga Amerikano.

Ayon sa obispo, bihasa at madiskarte sa pakikipaglaban ang mga sundalong Pinoy at kumpleto aniya sa kagamitan at logistic.

Naiintindihan din ng obispo ang ginagawang pag-iingay ng iba’t ibang sektor laban dito dahil sa mga pang-aabuso ng mga sundalong Amerikano sa bansa.

“Itong mga ginagawa ng mga nagpo-protesta ay reminder na rin sa mga sundalong Amerikano sa kanilang kapabayaan at pagiging arogante, na dapat hindi umakto as invaders kundi visitors lang,” bahagi ng pahayag ng obispo sa panayam ng Radyo Veritas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply