Baliwag traffic enforcer puro kotong ang inaatupag

SILIPIN po natin itong mga “kotongerong” traffic enforcer ng Baliwag, Bulacan na walang ginawa kundi ang manita at maniket ng mga walang helmet na nagmomotor.

Daig pa raw ng mga traffic enforcer na ito ang mga Metro Manila and Development Authority enforcer at kung mag-aasta, daig pa ang totoong mga pulis.

Basahin natin ang kabuuan ng message sa atin.

Gud pm, Sir Johnny, dito sa Baliwag, Bulacan yung mga Traffic Enforcer, ang ginagawa ay nanghuhuli at naniniket (kuno) at pinag-iinitan ang mga walang helmet. ‘Di na sila nagtatrapik kasi busy sa pagsita ng mga walang helmet.

Masahol pa sa MMDA ang mga ugali kung makaasta. Kung manita ilalabas kunwari ang panakot na tiket. Akala mo mga otoridad pero kung makiusap ka ng areglo ay okey na ang P50 o P100 sabay sauli ng lisensya.

Grabe na ang kotongan  dito sa Baliwag. Kasi muni-cipal ordinance raw (kuno) ang ukol sa helmet.

May escort pang pulis na nagmamasid lang at protector ng kotong na traffic enfocer. Si PO1 Aspiric. Ang kakapal ng mga mukha. Ok lang sana kung napupunta sa kaha ng munisipyo. Kaya lang sa bulsa lang kasi ng mga enforcer at pulis na ito napupunta.

Madalang lang ang natitiketan para di mahalata pero sa dami ng violators e dapat marami ang papasok na pera sa munisipyo. Pero sa mga bulsa lang nila napupunta ang kita.

Ipinangongolekta ang DILG

Uy ano itong nasagap nating balita na ipinangongolekta raw ng isang Jing Acinas at kanyang amo ng QCPD PS-4 ang Department of the Interior and Local Government ng lingguhang intelihensiya sa kailigalan.

Ano ba ‘yan DILG Sec. Jesse Robredo? Totoo bang inutusan ninyong ipangolekta kayo ng mga ito ng lingguhang I.N.T. sa mga iligal na  pasugalan sa QC?

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@ya-hoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply