Bangka tumaob: 1 patay, 2 nawawala

ISA ang nasawi habang dalawa ang nawawala makaraang tumaob ang isang bangka sa Lake Mainit, Agusan del Norte.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PGC) Spokesperson Lt. Cmdr. Algier Ricafrente sa panayam sa dzMM, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na may 40 pasahero ang sakay ng barko.

Nabatid na nakapagpadala na ang PCG ng search and rescue team para tumulong na mahanap ang mga nawawala pa.

Kasalukuyang inaalam pa ang kung legal ba o hindi ang paglalayag ng naturang bangka.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply