Bank accounts ng Pinay pinapa-freeze ng CA

IPINAPA-FREEZE na ng Court of Appeals (CA) ang bank accounts ng Pinay na may kasong ang mister na money laundering sa Gran Britanya.

Inatasan ng korte ang Philippine Savings Bank (PSBank) at Standard Chartered Bank na agad pigilin ang mga accounts na nakapangalan kay Ginang Ruth Ramos Ochavez.

Nabatid na noong Agosto 11, 2011 nang ipasa ng Department of Justice (DoJ) sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang request for assistance ng Serious Fraud Office (SFO) mula sa United Kingdom (UK) alinsunod na rin sa pag-iral ng UK Judicial Cooperation Unit.

Ito ay matapos maniwala ang UK court na ginamit ng British na si Alexander Lewis o kilala rin sa pangalang Martin Lewis ang accounts ng Pinay na misis na si Ochavez para mailipat ang mga salaping nakuha sa iligal na aktibidades sa kanilang bansa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply