Baog na mister lumaklak ng lason, tigok

DAHIL sa kawalan ng kakayahang mabigyan ng anak ang kanyang misis kaya nagawang magpakamatay ng isang negosyante sa pamamagitan ng paglaklak ng lason sa Davao City sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Felix Hortisano Brigoli, 40, ng Kobbler Homeowners Federation, Upper Ilang, Davao City, agad nangisay nang uminom ng nakalalasong kemikal.

Ayon sa misis ng biktima na si Benita, naabutan na lamang niya ang mister na bumubula ang bibig at patay na.

Hinala ni Benita na ang pagiging baog ng mister ang nagtulak dito para magpakamatay na nagtangka na rin noon na kitlin ang sariling buhay dahil sa kawalan ng kakayahang makabuntis.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply