Baon sa utang na ginang nagbigti sa Taguig

BUNSOD ng hindi na nakayanang kahirapan sa pagtaguyod sa 11 na anak, bukod pa sa pagkakabaon sa utang ay minabuti na lamang ng isang ginang na kitlin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kaninang umaga sa Purok 5 Extension, Barangay Proper Tanyag, Taguig.

Kinilala ang nagpatiwakal na si Myrna dela Cruz Cabalud, 49, ng nabanggit na lugar.

Sa salaysay ng mister ni Myrna na si Roger Cabalud, 50, naging balisa at malulungkutin ang kanyang misis ilang araw bago nagpatiwakasal gamit ang electrical cord.

Lagi aniyang inirereklamo nito ang sobrang kahihiyan dahil sa sunod-sunod na maniningil na dumarating sa kanilang bahay araw-araw.

Maaari aniyang hindi na nakayanan ng kanyang misis ang hirap lalo na at minsan ay wala rin siyang naiuuwing pera mula sa trabaho.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply