Barangay kagawad itinumba ng riding-in-tandem

PATAY agad ang isang barangay kagawad nang barilin ng riding-in-tandem sa Kidapawan City.

Kinilala ang biktima na si Pedring Tuan, ng Barangay New Meohao.

Sa ulat, alas-7 kagabi habang naglalakad ang biktima nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang una gamit ang kalibre. 45 saka agad na nagsitakas.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply