Baril nilinis ni tatay, pumutok sa anak, todas

BUMULAGTA sa sahig ang isang paslit nang aksidenteng makalabit ng kanyang ama ang gatilyo ng paltik na kalibre 38 na kanyang nililinis sa Butuan City, Martes ng

hapon, Abril 24.

Isinugod sa ospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktimang si Rosebee Abina, 6, ng Purok 3 Barangay Maibu pero makalipas ang 3 oras ay namatay din.

Sumuko naman agad at nakakulong na ngayon sa Butuan City Police Office (BCPO) upang panagutan ang krimen ang suspek na si Roger Abina, 30.

Sa ulat na nakarating sa Camp Carme, naganap ang insidente alas 2:30 ng  hapon sa sala ng bahay ng mag-ama.

Bago ito, nililinis ni Roger ang kanyang kalibre 38 paltik nang aksidenteng makalabit ang gatilyo at nasapul ang kanyang anak na naglalaro sa kanyang tapat.

Kakasuhan ng illegal possession of firearms at parricide ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply