‘Di umatras: Barko ng Pinas nagpa-refuel lang

NILINAW ngayon ng Philippine Navy na hindi umatras ang barko ng Pilipinas nang umalis ang BRP Gregorio del Pilar sa Scarborough Shoal habang nagdagdag ng isang barko pa ang China.

Ani Vice Admiral Alexander Pama, umalis lamang ang BRP Gregorio del Pilar para kumuha ng pagkain at magpagasolina sa Poro Point sa San Fernando, La Union.

“We’re not abandoning the area,” ani Pama.

Ang BRP del Pilar ang pinalitan ng Coast Guard vessel kaninang umaga.

“This is a law enforcement matter; para hindi naman tayo mukhang siga dun let the civilian agency handle it,” dagdag pa ng opisyal.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply