Barko ng Pinas aalis lang sa Scarborough Shoal, pag umalis ang sa China

AALIS lang ang sasakyang pandagat ng Pilipinas sa Scarborough Shoal kapag umalis ang mga sasakyang pandagat ng China.

Ito ang reaksyon ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Secretary Ramon Carandang sa naging hamon ng China na kailangang alisin na ng Pilipinas ang mga sasakyang pandagat kung nais nila ng mapayapang resolusyon sa usapin.

“Well, we’re also telling their ships to do the same. So ganun talaga ‘pag may dispute, we… That’s our territory and we’re also saying the same thing to their ships,” ayon sa Kalihim.

Sa kabilang dako, kapwa, naghahangad ng diplomatic solutions ang Pilipinas at China sa usaping may kinalaman sa Scarborough Shoal.

“Itong pagsampa ng diplomatic protest, isa itong bahagi ng proseso, diplomatic process. The good news is that both parties are talking and we’re both trying to find a way out of this that will save face for both parties without escalating tensions. So itong pag-file ng diplomatic protest ‘nung one side and the other, bahagi po ito ng proseso ng negotiations,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, nahihirapan naman ang Malakanyang na magbigay ng assessment sa naging meeting ng mga kinatawan ng China at Pilipinas sa nasabing usapin.

“ What I can say is that there are discussions, negotiations that are ongoing between the two countries and both sides we’re hoping, we’re confident that this can be resolved in a way that does not escalate tensions any further,” ayon kay Sec. Carandang.

Hanggang ngayon ay wala pa ring sagot ang China kung makikiisa sila sa gagawing pagsusumbong ng Pilipinas sa ITLOS kaugnay sa usapin ng Scarborough Shoal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply