Barko ng Pinas sa Panatag Shoal pinormahan ng 2 eroplano ng China

LALONG pinaiinit ng China ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas makaraang kumpirmahin ng Department of Foreign Affairs na dalawang eroplano ng China ang nagpalipad-lipad sa paligid ng barko ng bansa sa Scarborough o Panatag Shoal kagabi at kaninang madaling-araw.

Ani Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, dalawang eroplano ng China ang pumorma sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) kagabi na sinundan ng isa pa kaninang madaling-araw.

Dahil sa insidente ay nagpadala na ng note verbale ang DFA sa Chinese Embassy.

Matatandaan na nauna nang iniutos ni Pangulong Aquino na daanin sa diplomasya ang pakikipag-usap sa China hinggil sa pinag-aagawang teritoryo.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply