Lim ipinagdamot ang Baseco compound kay Erap

HINDI pumayag si Manila Mayor Alfredo Lim na gamitin ni dating Pangulong Joseph Estrada ang isang multi-purpose covered court sa Baseco compound, Tondo upang maipamahagi ng dating Pangulo ang kanyang regalo sa mga residente ng Maynila.

Ayon kay whistleblower Sandra Cam, isa sa taga-suporta ni Estrada, tumanggap siya ng impormasyon na hindi pumayag ang barangay captain na sumasakop sa Baseco na magamit ang nasabing pasilidad dahil iyon ang utos ni Lim.

Sinabi pa ni Cam na nagpunta sa kanya ang residente ng Baseco dahil pinagsabihan aniya sila ni Barangay Captain Kristo Hispano ng Barangay 469, Zone 5 na huwag magpunta sa isinagawang gift-giving ni Estrada bilang bahagi ng pagdiriwang sa kanyang ika-75 kaarawan bukas, Abril 19.

“Ang daming nagpunta sa akin na sinabihan sila ng barangay chairman na huwag kayong pupunta kapag dumating si Joseph (Estrada), because Mayor Lim has advised the barangay captain not to let President Erap use the government properties,” pahayag pa ni Cam.

Gayunpaman, napag-alaman din ni Cam na ang sinasabing covered court ay naitayo sa pamamagitan ng pork barrel ni Senador Jinggoy Estrada.

Natuloy naman ang gift-giving para sa 2,000 residente ng Baseco at ginawa ito sa loob ng gym ng Departmernt of Public Works and Highways –National Capital Region (DPWH-NCR) na malapit lamang sa Baseco.

Pinasalamatan din ni Cam si DPWH Secretary Rogelio Singson sa pagbibigay ng pahintulot na magamit ang nasabing gym ng kagawaran.

Tumanggi naman si Estrada na magbigay ng komento sa ginawang pahayag ni Cam, na nakilala bilang jueteng whistleblower matapos ituro ang ilan opisyal ng Philippine National Police (PNP) na tumanggap umano ng jueteng payola noong pnahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Lumutang ang pangalan ni Estrada bilang isa sa mga kandidato sa pagka-alkalde ng lungsod sa darating na 2013 elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply