Batanes nilindol ng magnitude 4.3 ngayong hapon

NIYANIG ng lindol na may magnitude-4.3 ang Batanes ngayong hapon, Abril 1.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology , ang naturang lindol ay naitalang tectonic in origin na naramdaman bandang alas- 1:34 ngayong hapon.

Sa kanilang bulletin, sinabi ng Phivolcs na natagpuan ang epicenter ng pagyanig sa 66 km southeast ng Basco, Batanes.

Naramdaman naman ang lindol na may Intensity IV (moderately strong) sa Basco, Batanes; Intensity II (slightly felt) sa Itbayat, Batanes.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply