Batangas CID team sinibak ni Bartolome

SINIBAK ni Philippine National Police Director General Nicanor Bartolome ang buong Criminal Investigation and Detection Team (CID) sa Batangas dahil sa pagkakasangkot sa pangongotong at iba pang criminal activities.

Sinabi ng PNP chief na maraming reklamo na ang operatiba ng Batangas CID na pinamumunuan ni Chief Insp. Jay Agcaoili hinggil sa kidnapping at extortion (“hulidap”) na kanilang kinasasangkutan.

Inilipat naman ang lahat ng personnel ng Batangas CID sa Police Holding and Administrative Unit (PHAU) sa Camp Crame para madali silang mahanap para harapin ang kriminal at administratibong mga kaso.

Ani Bartolome, 7 sa Batangas CID personnel ay nahuli sa aktong hawak ang P400,000 ransom na ibinayad ng pamilya ng isang college student na naaresto nitong nakaraang Miyerkules dahil sa paggamit ng droga.

Orihinal na humingi ang CID policemen ng P1 million kapalit ng kalayaan ni Christina Rodriguez, pero naibaba ng pamilya ang halaga sa P400,000.

Inatasan na rin ng PNP chief ang immediate superior ni Agcaoli na si Senior Supt. Bernabe Balba, na siyang regional officer ng  4th Regional Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), para magsumite ng kanyang paliwanag.

Gayunman, pinasinungalingan ni Balba na ang kanyang operatiba sa Batangas ay sangkot sa “hulidap” activities at tinuligsa ang pagsalakay at paghuli sa Batangas CIDT members at iba pang sibilyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply