Bebot binoga sa ulo, dedo sa Maynila

TODAS ang isang babae matapos barilin sa ulo habang nasa harapan ng kanyang bahay sa Quiapo, Maynila kagabi (Abril 12).

Kinilala ni P/Sr., INsp. Joey de Ocampo hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section ang biktima na si Rhodora Sanchez, 27 at vendor at taga-Quiapo, Maynila.

Inaalam naman ang pagkakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang pangyayari.

Sa ulat ni SPO2 Milbert Balinggan, dakong alas-8:45 kagabi nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima.

Nilapitan ng suspek ang biktima at agad na binaril sa likurang bahagi ng kanyang ulo saka mabilis na tumakas.

Isinugod pa sa  Mary Chiles Hospital ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay.

Samantala, dinala naman sa St. Yvan Funeral Parlor ang bangkay ng biktima para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply