Bebot lumaklak ng krudo bago naglaslas ng pulso

UNDER observation pa rin ngayon sa ospital ang isang babae na lumaklak ng krudo bago naglaslas ng kanyang pulso para pigilin ang pag-alis ng kanyang live-in partner sa General Santos City.

Sa ulat ng pulisya kahapon, kinilala ang biktima na si Rachel Ihan, 20-anyos, ng Mati, Davao Oriental at pansamantalang nakatira sa General Santos City.

Nabatid na nagtangkang magpakamatay ang babae para pigilan ang live-in partner niya na umuwi sa kanilang lugar sa Davao Oriental.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na bago ang tangkang pagpapatiwakal ay nagkaroon muna ng pagtatalo ang biktima at ang kaniyang live-in partner dahil ayaw pa nitong umuwi sa kanilang lugar.

Dahil nakita umanong seryoso ang kanyang live-in partner na ituloy ang pag uwi ay tumungga ng krudo ang biktima at naglaslas pa ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply